0

Dalawang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga ang napatay sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City Biyernes ng madaling araw.

Nakilala ang mga napatay na sina Emmanuel Villa, itinuturing isa sa most wanted personalities ng Navotas Police, at kasama nitong isang Alias Arne.



Napatay ang dalawa sa isinagawang buy bust operation alas-4 ng madaling araw ng Biyernes. Nakahalata umano ang mga suspek na ang kanilang kausap ay pulis kaya agad silang bumunot ng baril at nagpaputok.

"Napagdudahan ang pulis. Mabilis silang nagpaputok," sabi ni Police Senior Superintendent Dante Novicio.

Loading...
Wala namang nasaktan sa mga pulis. Nakuha sa loob ng bahay na ginagawa rin umanong drug den ang isang calibre .38, isang calibre .45 at tatlong sachet ng shabu.

Ayon sa mga pulis, kilalang tulak sa lugar si Villa. Ang ilan sa kanyang mga parokyano, taga-kalapit na mga lungsod pa raw.


Mula Enero ng taong ito, nasa 800 drug pushers at users na ang nahuhuli ng Navotas Police sa buong lungsod. Humigit kumulang 40 naman ang napapatay sa iba't-ibang police operations simula Hulyo a-uno.
Source: ABS-CBN



Loading...

Post a Comment

 
Top