0

Ayaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na ihahambing siya sa bagong nahalal na pangulo ng Amerika na si Donald Trump.

Sinabi ng Pangulong Duterte, isa lamang siyang “small molecule” kung ihahambing kay Trump ngunit ang pagkakapareho lamang umano nila ay ang kanilang passion sa pagbibigay ng serbisyo sa mga tao.



Mas uunahin umano ng chief executive kung ano ang makakabuti sa mamamayang Filipino at paninindigan na hindi magbabago ang kanyang naging pahayag patungkol sa foriegn policy.

Loading...
Pananatilihin din ni Presidente Duterte ang magandang relasyon ngayon ng Pilipinas at China pati na sa iba pang mga Asian countries.


Sinabi naman ng chief executive na mananatili ang relasyon ng Pilipinas at Amerika pati na ang kooperasyon at respeto sa naging kasunduan ng dalawang bansa.
Source: Bomboradyo

Loading...

Post a Comment

 
Top