0

Kinuyog ng batikos at pag-alma mula sa mga kasamahang senador si Senador Antonio Trillanes IV kasabay ng pangangaral dito na matutong rumespeto sa mga kasamahan.

Kaalinsunod ito sa patutsada ni Trillanes at pagtawag na mga ‘tuta’­ at apologist umano­ ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilan sa kasama niyang senador.



Ayon kay Senador JV Ejercito, ang bawat senador ay dapat namang marunong gumalang sa kasamahan alinsunod na rin sa umiiral na parliamentary courtesy.

“Senators should learn how to respect colleagues. That is parliamentary courtesy,” ayon kay Ejercito.

Bawat isa umano sa kanila ay may kanya-kanyang mandato kung kaya’t may pananagutan sila sa taong bayan at ang pagtawag sa kanila bilang apologist ay hindi tama at hindi katanggap-tanggap.

Loading...
Maging si Senador Panfilo Lacson ay umalma rin sa pahayag ni Trillanes.

“Bakit kailangang lahat kaming kasama niyang senador magalit din sa presidenteng ayaw niya at kapag hindi, walang kwenta lahat kami? Ano ‘yun?” ani Lacson.

Ipinunto naman ni Senador Gringo Honasan ang naging tradisyon na sa Senado na hindi dapat na magkomento o punahin ang sinumang miyembro nito sa anumang aksiyon at motibo ng kanilang kasamahan dahil sila ay “collegial at consensual body”.

“We are a democracy where opinions and comments are welcome, as we all engage in the free market of vision, ideas and leadership,” ayon kay Honasan.


Tinawag naman ni Senate Senate Majority­ Leader Vicente ‘Tito’ Sotto III na “uncalled for” ang naturang pahayag ni Trillanes.

“‘Yung term apologist is uncalled for dahil pwedeng ang isang senator is also merely airing his opinion. Ang sabi nga, walang pakialamanan ng opinion,” ayon kay Sotto.
Source: Abante Tonite

Loading...

Post a Comment

 
Top