0

Kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte na makakasundo nito si US President-elect Donald Trump at maaayos ang relasyon ng Estados Unidos at Pilipinas.



Magugunitang umasim ang relasyon ng US at Pilipinas matapos awayin at murahin ni Pangulong Duterte si US President Barack Obama dahil sa alegasyong human rights violations kaugnay sa anti-drug war ng Duterte administration.

Loading...
Sinabi ni Pangulong Duterte kagabi, tiyak niyang makakasundo niya si Trump dahil wala naman silang away.

Ayon kay Pangulong Duterte, kaya naman nitong makaibigan ang lahat lalo ang mga kapwa nito chief executive ng ibang bansa.


Una ng binati ni Pangulong Duterte si Trump matapos ang panalo sa US elections at inihayag na 'looking forward' itong makatrabaho ang bagong pangulo ng Estados Unidos.

"O I'm sure, wala naman kaming away," ani Pangulong Duterte.
SourceBomboradyo



Loading...

Post a Comment

 
Top