0

Umani ng papuri ang isang tapat na empleyado ng paliparan kahapon, matapos niyang isauli ang P102,000 na halaga ng pera na naiwan sa terminal.

Napag-alaman na ang may-ari pala ng nasabing pera ay si Nueva Ecija Rep. Magnolia Rose Antonio.



Bandang alas-5 ng umaga kahapon, napansin ng wheelchair attendant na si Valiente Namion ang isang pouch sa pushcart ng arrival area sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

Ayon sa mga opisyal ng paliparan, dinala agad n Namion sa Lost and Found section ng Manila International Aiport Authority-Intelligence and Investigation Division (MIAA-AIID) ang nasabing pouch.

Loading...
Doon na lamang nabuksan ang pouch at saka nalaman na pag-aari nga ito ni Antonio, dahil naglalaman ito ng ATM at credit cards ng mambabatas.

Ang mga bagay na ito rin ang nakatulong sa kanila upang ma-contact ang kongresista.

Tumungo naman sa paliparan ang staff ni Antonio na si Wendell Tagapulot upang kuhanin ang gamit.


Aniya, naiwanan ng kaniyang amo ang nasabing pouch sa NAIA nang sunduin nito ang kaniyang apo na dumating mula sa Los Angeles.

Si Namion ay empleyado ng Integrated Workers Services Cooperative.
Source: Radyo Inquirer

Loading...

Post a Comment

 
Top