0

Una nang nanawagan sa pamamagitan ng Facebook ang mga kaanak at kaibigan ng labing-walong taong gulang na si Jessica Delos Santos na pinatay sa loob ng kanyang boardinghouse sa Cataingan, Masbate noong madaling-araw ng February 15.

Matapos ang halos siyam na buwan, nadakip ng Cainta PNP ang suspek na si Arthur Alcaraz. Wala ng nagawa si Alcaraz ng ihain ang arrest warrant sa maliit na iskinita sa Taguig City. Dito nya idinitalye ang nagawang krimen.

"Tinutukan ko po ng kutsilyo, nagising po sya ng tinusok ko po yung kutsilyo sa leeg nya. Patay na po sya, ginahasa ko po sya... maganda po sya sir eh.".



Aminado si Alcaraz na gumagamit sya ng droga at dahil sa takot, nagpasya syang magtago sa kanyang mga tiyuhin sa Cainta pero isinumbong din sya sa mga pulis matapos nyang pagnakawan.

Loading...
Labis ang pagsisisi ng suspek at nanawagan pa sa mga kaanak ng biktima. "Humihingi po ako ng pasensya sa mga magulang, sana po mapatawad nila ako. Inaamin ko naman po eh.".


Nakikipag-uganayan na ang Cainta PNP sa mga pulis sa Masbate para maibalik sya doon, kung saan kakaharapin nya ang kasong murder.
Source: ABS-CBN

Loading...

Post a Comment

 
Top