0

Sinabi ni Ronnie Dayan na nagsisinungaling si Sen. Leila De Lima ng kanyang sabihin na hindi niya kilala ang suspected drug lord na si Kerwin Espinosa.

Si De Lima umano ang nag-utos sa kanya na pumunta sa Mall of Asia kung saan para kunin ang pinaniniwalaan niyang pera mula kay Espinosa kung saan ay nagtagpo pa sila sa parking area ng mall.



Sa pagdinig ng Kamara, sinabi ni Dayan na umabot sa P8 Million ang naibigay sa kanya ni Kerwin Espinosa bilang donasyon sa kandidatura ni De Lima noong panahon ng kampanya.

Sa pagtatanong ng mga kongresista ay naungkat rin na kay De Lima galing ang P2 Million na bahagi ng kanyang ginastos sa pagpapatayo ng malaking bahay sa Urbiztondo, Pangasinan na kalaunan ay nagsilbi nilang bahay.

Loading...
Nauna nang itinanggi ni De Lima na may ibinigay siyang pera para sa pagpapatayo ng naturang bahay.

Ikinuwento rin ni Dayan na matagal niyang itinago sa kanyang misis ang naging relasyon nila ni De Lima hanggang sa mabisto rin ang kanilang lihim.


Nagkaroon lamang ng lamat ang kanilang pagmamahalan ng umano’y mapasok sa eksena si Warren Cristobal na kasama sa motorcycle unit ng mambabatas.

Nakarelasyon din umano ni De Lima si Cristobal na binigyan pa niya ng isang mamahaling baril.
Source: Radyo Inquirer

Loading...

Post a Comment

 
Top