0

Hindi pa final ang lumabas na report na hihinto na ang US sa pagbebenta ng baril sa Pilipinas. Ito ang inihayag ni Interior Secretary Mike Sueno sa exclusive interview ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Sueno, umiiral pa ang deal ng bansa sa Amerika at ang lumabas na balita ay opinyon lamang ng isang senador.



Ang totoo aniya, hindi nababahala ang bansa sa pananakot ng Amerika dahil marami pa umanong mabibilhan ng high powered fire arms, gaya ng Russia.

Loading...
Sa katunayan, ang ambassador ng Russia ay nag-courtesy call sa kalihim at nag-imbita na pumunta ito sa Russia.


Naniniwala naman si Sueno na kung maganda at de kalibre ang M4 na mula sa US ay mas malaki ang posibilidad na ang mga latest na AK 47 ng Russia ay mas maganda pa at mura kung ikukumpara sa Estados Unidos.
Source: Bomboradyo

Loading...

Post a Comment

 
Top