0

Makakakolekta ang Pilipinas ng hanggang P6 bilyon taun-taon kapag inobliga ang mga Amerikano na kumuha ng visa bago pumasok sa Pilipinas tulad ng ginagawa ng mga ito sa mga Filipino.

Gayunpaman, handang pakawalan umano ng Kongreso ang nasabing halaga kung aalisin ng Amerika ang visa requirement sa mga Filipino bago makapasok sa kanilang bansa.

“Requiring visitors from the US to obtain a Philippine visa could ea­sily generate $125 million, or P6 billion, in incremental revenue for Manila every year,” ani Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel.



Ang halaga aniyang ito ay kikitain ng Pilipinas sa mga American tourists na sisingilin ng $160 sa visa application, ang halagang sinisingil din ng mga ito sa mga Fi­lipino na nais pumunta sa Amerika.

Ang halagang ito ay hindi na ibinabalik sa mga Filipino na nade-deny sa kanilang visa application at ito rin ang gustong gawin ng mambabatas sa mga Amerikanong mag-a-apply ng visa.

Loading...
Ibinase ng mam­babatas ang datos na ito sa 799,217 Amerikano na pumunta sa Pilipinas noong nakaraang taon o 7.81% na mas mataas kumpara sa 722,750 na rekord noong 2014.

Subalit ayon kay Pimentel, maaaring hindi nito ipatupad ang visa para sa mga Amerikano kung tatanggalin ng mga ito ang visa requirement na ipinapatupad ng Amerika sa mga Filipino.


“There are two ways we can achieve parity. Either we obligate Ame­ricans traveling to Manila to first secure a Philippine visa, or the US removes the requirement for Filipinos to get hold of a US visa before they can tra­vel to America,” anang mambabatas.

Sinabi ng mambabatas na ito ay para magkaroon ng parehas na pagtrato sa mamamayan ng Pilipinas at Amerika tulad ng ginawa ng mga ito sa 38 bansa na pinapapasok ang mamamayan sa alinmang estado na hindi na kailangan ng visa.
Source: Abante

Loading...

Post a Comment

 
Top