0

Inihayag ni PNP Chief Gen. Ronald Dela Rosa na panahon na para ibalik ang death penalty lalo na sa mga drug offenders matapos maaresto ang apat na indibidwal kahapon ng hapon kasunod ng pagkakasabat ng 45 kilos na shabu na may market value na P225 million.

Sinabi ni Dela Rosa kailangang maibalik na ang death penalty para sa drug dealing ng sa gayon matakot na ang mga nagpapatuloy sa kanilang iligal na aktibidad.



Pahayag ito ni Dela Rosa sa kanyang pag-inspeksyon sa isang drug warehouse sa Quezon City.

Hindi napigilan ni PNP chief na pagsabihan ang apat na indibidwal na naaresto sa drug raid kahapon.

Pansamantalang nakakulong ngayon sa PNP AIDG detention facility ang apat na naarestong indibidwal habang nagpapatuloy ang imbetsigasyon.

Loading...
Ayon kay Dela Rosa, marami nang namamatay dahil sa droga pero tuloy tuloy parin ang operasyon ng mga nangangalakal ng bawal na gamot.

Aniya, tila walang takot ang mga ito dahil alam nilang makakaiwas sila sa batas kapag sila'y nahuli, kaya dapat lang aniya ibalik ang death penalty.


Samantala, hinahanap na ng mga awtoridad ngayon ang isang Chinese national na umanoy lider ng mga naarestong suspek.

Kinilala sa pangalang "Charlie"  ang lider ng sindikato.
Source: Bomboradyo

Loading...

Post a Comment

 
Top