0

Kumpiyansa si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na sakali man na may mga nagbabalak na patalsikin sa poder si Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi magtatagumpay ang mga ito.

Binigyang-diin ni Panelo na walang tsansa­ at mabibigo lamang ang mga nagbabalak ng masama para mapaalis sa puwesto si Pangulong ­Digong sa gitna ng kaliwa’t kanang kontro­bersya na ipinanghihila pababa sa Presidente.

“Wala, (destabilization, military adventurism at iba pang paraan ng pagpapatalsik kay ­Pangulong Duterte) ­nothing…wala ‘yun…(impeachment) lalo na ‘yun. Kasi supported ­siya,” giit ni Panelo sa isang panayam kahapon.

Binanggit pa ng ­Palace official na magtutuluy-tuloy ang pagbabago sa ilalim ng administrasyong Duterte.



Ang pagbabago, aniya,­ ay asahang mangyayari sa lahat ng aspeto ng lipunang Pinoy.

“Tuloy-tuloy po ang pagbabago sa ating bansa­ sa lahat ng aspeto ng ating lipunan magkakaroon ng pagbabago sapagkat ‘yung tatlong binanggit niya corruption, criminality,­ drug menace­ talagang sisirain niya ‘yun at ‘pag sinira mo ‘yun everything will follow.

Dadating ang mga investment magiging­ mapa­yapa ang ating lipunan, magkakaroon ng mga trabaho ­dahil papasok ang investment eh maraming trabaho ang mga tao magkakaroon ng pagkain sa lamesa,” ­salaysay ni Panelo.

Inihayag ng opisyal ng Palasyo na maraming Pinoy ang nauunawaan ang istilo at diskarte ng pagmamando sa gobyerno­ ni Pangulong Digong.

Loading...
May mangilan-ngilan­ lamang aniyang hindi makaintindi kay Pangulong Duterte at ang mga ito ay kabilang sa mga simula pa lamang ay gusto nang mapaalis at mapalitan ang Presidente.

“I think the Filipino people understand him…only few…who refuse to understand this man.

This man represents the ideals of the ordinary Filipino kaya siya tinatanggap ng Filipino kasi nakikita nila kay Duterte ‘yung sarili nila at si Duterte naman nakikita niya ang sarili niya na siyang kumakatawan dun kasi galing siya dun,” sabi ni Panelo.


Umaasa si Panelo na kalaunan ay makukumbinsi rin at mapapabilib ni Pangulong Duterte ang mga komokontra.

“I think eventuall­y they will kasi makikit­a naman kumbaga kung ano ang resulta ng trabaho ni Presidente Duterte makikita nila. Marami na akong nakausap na kontra sa kanya na (nagsabing) ngayon ko lang siya naintindihan, parang magaling pala siya.

Maraming ganu’n…maraming ganu’n. Ang hindi mo lang makukumbinsi ‘yung talaga­ from the very beginning ayaw sa kanya kasi gustong palitan siya nila…‘yun lang ‘yun,” pagdidiin ni Panelo.
Source: Abante

Loading...

Post a Comment

 
Top