0

Pursigido talaga ang Liderato ng Kamara na maipasa bago mag-Pasko ang mga panukalang pagbuhay sa death penalty at pagpapababa sa edad ng criminal responsibility.

Ito’y sa kabila ng pagkontra ng ilang mga grupo, na lumabas sa mga nakalipas na pagdinig ng concerned committees ng kapulungan.



Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, batay sa pakikipag-pulong nila kay Pangulong Rodrigo Duterte, ipinaalala nito ang priority bills na dapat unahin ng Kongreso.

Loading...
Sinabi ni Alvarez na balak ng Mababang Kapulungan na aprubahan ang restortation ng death penalty at pagbabago sa edad ng criminal liability ng mga kabataan bago ang Christmas break ng 17th Congress.

Ang dalawang panukalang batas ay ini-akda ni Alvarez at iba pang lider ng Kamara.


Noong pagdinig ng Sub-committee on Correctional Reforms ng House Justice Panel ay kapwa kumontra ang DSWD at Commission on Human Rights sa pagpapababa sa edad ng criminal responsibility dahil hindi raw ito solusyon at sa halip at makakasama pa sa mga kabataan. Sa hearing naman ng Sub-Committee on Judicial Reforms ay may ilang grupo rin maging mga Kongresista ang naghayag ng pagtutol sa pagbuhay sa parusang bitay.
Source: Radyo Inquirer

Loading...

Post a Comment

 
Top