0

May hawak na umanong impormasyon ang NBI sa kinaroroonan ng dating driver at bodyguard ni Sen. Leila de Lima na si Ronnie Dayan.



Ayon kay NBI Deputy Director Francis Lavin, ayaw nilang masunog ang kanilang operasyon kaya hindi raw niya ito maaring sabihin sa kanyang pagharap sa Kamara para sa pagdinig ng sub-committee on correctional reforms.

Loading...
Bukod dito, binigyan diin ni Lavin na ayaw nilang malagay sa panganib ang kaligtasan ng kanilang impormante na tumutulong sa kanilang pinakikilos na teams para sa pagtunton kay Dayan.


Para naman sa PNP, iginiit ni Dirctor Benjamin Magalong na wala pa silang natatanggap na impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng dating driver ni De Lima kahit pa may flash alarm silang inilabas.

Walang tigil naman umano ang pakikipag-ugnayan ng Sergeant at Arms ng Kamara para tumulong na rin.
Source: Bomboradyo

Loading...

Post a Comment

 
Top