0

Binigyang-diin ni PNP chief Dir. Gen. Ronald "Bato" dela Rosa na hindi na dapat nagtatagal sa mundo ang mga 'police scalawags' lalo na ang mga pulis na sangkot sa iligal na droga.

Magugunitang ilang police generals na ang natukoy sa illegal drugs trade sa bansa habang pinakahuli sa iniimbestigahan ang grupo ni Police Supt. Marvin Marcos na nakapatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa.

Sinabi ni Dela Rosa, hindi maaaring lagi na lang sinuswerte ang mga pulis na kriminal at dapat na silang matapos.



Ayon kay Dela Rosa, sobra na ang ginawa ng mga pulis na scalawags sa mga Pilipino at hindi katanggap-tanggap na magtagal pa sila.

Una rito, inihayag ni Dela Rosa na matagal ng sangkot o 'naglalaro' sa iligal na droga si Supt. Marcos gayundin ang iba pa nitong kasamahan.

Sa pagdinig ng Senado, tahasang ibinulgar din ng kilalang drug lord na si Kerwin Espinosa na kabilang si Marcos sa kanyang binigyan ng drug money bilang protection.

Loading...
Sinabi kaninang umaga ni Dela Rosa na nasa restricted custody na ng PNP sa Kampo Crame si Col. Marcos habang iniimbestigahan.

Ayon kay Dela Rosa, batay sa kanyang natanggap na intelligence report bago pa man ang pagtestigo ni Kerwin, matagal ng 'tainted' o markado sa illegal drugs si Supt. Marcos.


Maliban kay Marcos, nakakulong na rin ang iba pang pinangalanan ni Kerwin habang ang ibang hindi nakasuhan ay ipinatapon sa ARMM para makipaglaban sa mga Abu Sayyaf.

Magugunitang napaiyak pa si Dela Rosa sa pagdinig ng Senado dahil sa sama ng loob at hinanakit sa pagkakasangkot ng marami nilang kasamahan sa iligal na droga bilang supplier at protectors ng mga drug lords.
Source: Bomboradyo

Loading...

Post a Comment

 
Top