0

Napilitan lang umano si Ronie Dayan na magsinungaling laban kay Senator Leila De Lima,

Ayon kay De Lima, hindi totoo ang mga sinabi ni Dayan na limang beses na tumanggap ang senadora ng pera mula kay Kerwin Espinosa Jr.



Ani De Lima, noong sinasabing nagbigay ng pera si Espinosa sa kaniya ay hindi na niya tao si Dayan kaya imposibleng inutusan niya itong kumuka ng pera kay Kerwin.

Loading...
Binanggit din ng senador ang ulat sa media na nakuha niya ang pera mula kay Kerwin noong October, November at December 2015, at ang iba’y nagsabi na noong 2014 niya ito natanggap.


Ani De Lima, hindi na niya tauhan si Dayan noong 2015.

Pero sinabi ni De Lima na inaasahan na niyang mapipilitan si Dayan na magsalita ng kasinungalingan laban sa kaniya.
Source: Radyo Inquirer

Loading...

Post a Comment

 
Top