0

Patay ang isang mister makaraang magbaril sa sentido nang tumangging makipagsiping ang kanyang misis sa Brgy. Agmailig, Libacao, Aklan.

Dead on the spot ang biktimang si Ernani Santiago, 33, residente ng naturang lugar.



Base sa imbestigasyon ng pulisya, galing sa isang okasyon ang biktima kasama ang kanyang misis na si Marialyn at bunsong anak at nang makauwi na ay gusto umano nitong sumiping sa kanyang asawa.

Loading...
Nang tumanggi ang ginang dahil hindi pa umano inaantok, biglang lumabas ang biktima mula sa kanilang kuwarto at agad na itinutok sa kanyang sentido ang dalang .22 caliber magnum at ipinutok.


Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Libacao police station kung may foul play sa insidente.
Source: Bomboradyo

Loading...

Post a Comment

 
Top