0

Bumulaga sa bukana ng Libingan ng mga Bayani sa Taguig ang mga taga-suporta at kritiko ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na kapwa nagulat sa biglaang paglilibing sa dating presidente.

"Move on" ang sigaw ng mga loyalista ni Macoy.

Anila, panahon na para sa panibagong yugto ng ating bansa.



Sambit naman ng mga kontra sa Marcos burial na pawang mga kabataan, hindi bayani si Marcos at hindi rin dapat ilagak sa nasabing himlayan.

Agad namang namagitan ang mga kapulisan mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) para mapanatili ang kaayusan sa pagitan ng mga ralyista.

Bukod sa Libingan ng mga Bayani ay nagkasama rin ng kabi-kabilang mga kilkos-protesta sa iba pang parte ng kalakhang Maynila at mga lalawigan.

Loading...
Sa Maynila, nag-ingay ang mga mag-aaral ng University of Sto. Thomas.

Gayundin ang mga taga St. Scholastica College sa Taft Avenue.

Sa lungsod naman ng Quezon, nagtipon-tipon ang mga ralyista mula UP-Diliman, Miriam College at Ateneo de Manila sa Katipunan Road na kinukundina rin ang nasabing paglilibing.


Base sa kalkulasyon ng mga otoridad, tinatayang nasa dalawang libo na ang bilang ng mga ito.

Sa People Power Monument sa EDSA ay nag-ipon na rin ang ilang daang mga ralyista at nagsasagawa ng isang programa kontra sa Marcos burial.
Source: Bomboradyo


Loading...

Post a Comment

 
Top