0

Isa pang malawakang kilos protesta ang isasagawa sa Nobyembre 30 laban sa paglibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Kahapon ay hindi pa matiyak ni Vice President Leni Robredo kung makakadalo sa susunod na pagkilos.

“Sa ngayon wala pang plano kasi puno pa schedule ko. Pero tingnan natin in the next few days. Pero mas mabuti siguro labas na lang ang mga pulitiko sa mga ganoon.

Mas mabuti kung hayaan na lang natin ang mga tao na mag-express ng kanilang saloobin,” ani Robredo sa ambush interview kahapon.



Sa panayam naman kay Ifugao Rep. Teddy Brawner Baguilat, umaasa ito na hindi uulanin ang isasagawang kilos protesta sa Miyerkules na kanya umanong dadaluhan.

“Hopefully hindi umulan sa Miyerkules dahil holiday naman at puwedeng sumama ang lahat ng kontra sa paglibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani,” ani Baguilat.

Loading...
Kahapon ay natuloy ang Black Friday protest ng mga militanteng grupo at iba pang sektor na lipunan na hindi sumang-ayon sa paglibing kay Marcos sa nasabing libingan noong Nobyembre 18 kung saan sa pagtataya ng pulisya ay umabot sa humigit-kumulang 4,000 katao ang dumalo. May ulat naman ang ilang online media na nasa 14,000 ang dumalo sa naturang protesta.

“This year women find ourselves amid a struggle to defy the glorification of a dictator and authoritarian governance with the recent burial of former dictator Ferdinand Marcos at the Libingan ng mga Bayani,” ani Gabriela party-list Rep. Emmi de Jesus.


Para naman kay Kabataan party-list Rep. Sarah Elago, mabigat sa kanilang loob ang ginawa ng administrasyong Duterte na palihim na inilibing sa nasabing libingan ang isang diktador.

“We see the burial of the late dictator at the Libingan ng mga Bayani not only as an affront to the history and struggle of the Filipino people but also as a manifestation of the Duterte administration’s growing penchant for perpetuating state fascism.

Rehabilitating Marcos’ image — turning him from zero to hero — is tantamount to endorsing gross human rights abuses, the grave disregard of civil liberties, and propagating state terrorism,” ayon pa kay Elago.
Source: Abante Tonite

Loading...

Post a Comment

 
Top