0

Dahil sa mga kontrobersiyang kinakaharap ni Senator Leila De Lima, posibleng maging target din aniya ito ng mga nangyayaring patayan sa Pilipinas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga sa senadora, sinabi nitong dahil kinokonsidera siya bilang drug trade queen ay baka maging target din aniya siya ng extrajudicial killings sa bansa.



Ngunit nilinaw ng mambabatas na hindi niya hinihinalaan si Presidente Rodrigo Duterte na nag-iisip ito ng masama laban sa kanya.

Posibleng meron aniyang ilang pwersa o elemento sa komunidad ang magsamantala sa sitwasyon ngunit pinapasa-Diyos na lamang niya ito.

Loading...
Kasabay nito, nasa mabuting kalagayan din aniya ang senadora sa kabila ng mga death threats na natatanggap.

Ayon kay De Lima, kung oras mo na aniya ay oras mo na kung kaya't hindi na rin siya nababahala sa posibleng mangyari sa kanyang buhay.


Samantala, bumalik na sa Metro Manila ang lady senator matapos ang dalawang araw na pagbisita sa puntod ng kanyang ama at iba pang yumaong pamilya kasabay ng todos los santos.
Source: Bomboradyo

Loading...

Post a Comment

 
Top