0

Naniniwala si Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na mapupunta lang sa basurahan ang kasong isinampa ni Sen. Leila de Lima laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang humingi ng tulong si De Lima sa Korte Suprema sa pamamagitan ng petition for habeas data upang subukang pigilan si Duterte at ang kaniyang mga tauhan na mangalap ng mga impormasyon tungkol sa kaniyang personal na buhay.



Hinimok rin ni De Lima sa petisyong ito na iutos ang pagsira sa mga nakalap nang personal niyang impormasyon.

Giit ni De Lima, ang mga pag-atake sa kaniyang pagkababae, pati na ang mga banta laban sa kaniya ay hindi sakop ng immunity from suit ng pangulo.

Loading...
Pero ayon kay Aguirre, malabong mapatigil ang mga otoridad sa pag-iimbestiga lalo’t hindi bababa sa 10 katao ang nagsasabing protektor si De Lima ng kalakalan ng iligal na droga.

Hindi niya rin aniya maisip na mapagsasabihan ng Korte Suprema ang pulisya, ang pangulo at ang Department of Justice na imbestigahan ang taong nahaharap na sa ilang kaso.


Bukod pa rito, sinabi rin ni Aguirre na ang presidential immunity from lawsuit ay isa nang absolute at established doctrine.
Source: Radyo Inquirer

Loading...

Post a Comment

 
Top