0

Nananaliksik na umano ang Senate committee on public order and dangerous drugs para mabuo ang matrix ng Espinosa drug syndicate, pati na ang mga may interes na mapatay si Albuera Mayor Rolando Espinosa.

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, mahalagang makita ang koneksyon ng mga isinasangkot sa sindikato, payola list at dawit sa pagpatay sa alkalde.



Bagama't wala pa umanong conclusion ang Senate panel, naniniwala ang pinuno ng lupon na intensyonal ang pagpaslang kay Espinosa.

Loading...
Sa pagtawag pa lang umano ng mas maaga sa Screne of the Crime Operatives (SOCO) bago pa ang operasyon ay malinaw na target talagang mapaslang ang Albuera mayor.


Para kay Lacson, bilang dating PNP chief, alam niya ang mga patakaran sa pagsisilbi ng search warrant at iba pang proseso sa mga ganitong pagkilos.
Source: Bomboradyo

Loading...

Post a Comment

 
Top