0

Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na kakalas na rin sa International Criminal Court (ICC) gaya ng ginawa ng Russia.

Magugunitang kumalas na sa kauna-unahang permanent war crimes court ng mundo ang Russia kasunod ng balak na imbestigasyon ng ICC sa ginawagang air strikes sa Syria.



Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag matapos maglabas ng sama ng loob sa tinatanggap na batikos mula sa Amerika at UN kasunod ng kanyang pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga.

Sinabi ni Pangulong Duterte, bigo naman ang ICC na litisin ang mga war crimes at crimes against humanity na ginagawa ng malalaking bansa.

Loading...
Ayon sa Pangulong Duterte, kung magtatayo ang Russia at China ng bagong order o kaya organisasyon ay siya ang unang sasama.

Ang UN daw kasi ay kontrolado o dominated ng US.


"And ang problema, ang Russia withdrew from the International Court, Criminal Court. What could be the reason, I really do not know. Maybe to protect what they are doing in Syria, the incessant bombing and the killing of civilians. 'Yan ang leksyon ng ano eh, ng UN. UN is dominated by the US at tsaka 'yung climate change," ani Pangulong Duterte.

Maalala na ang ICC ang humatol ng bitay kay dating Iraqi leader Saddam Hussein dahil sa war crimes.
SourceBomboradyo



Loading...

Post a Comment

 
Top