0

Pinayuhan ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II si Ombudsman Conchita Carpio Morales na tumutok na lamang sa mga malalaking kaso ng katiwalian imbes na pag-initan si Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa.

May kaugnayan ito sa sinabi ni Morales na bumuo na siya ng isang fact-finding team para imbestigahan ang umano’y paglabag ni Dela Rosa sa batas makaraan itong ilibre ni Sen. Manny Pacquiao sa pagpunta sa Las Vegas para manood sa labang Pacquiao-Vargas.



Sinabi ni Aguirre na mas dapat unahin ng Ombudsman ang imbestigasyon sa mga opisyal na sangkot sa Pork scam at Disbursement Accelaration Program (DAP).

Sina dating Pangulong Noynoy Aquino at dating Budget Sec. Butch Abad ang sinasabing promotor ng DAP noong sila’y nasa pwesto pa.

Loading...
Nauna dito ay sinabi ni Morales na nilabag ni Dela Rosa ang Presidential Decree 46 na nagbabawal sa pagtanggal ng anumang uri ng regalo para sa mga tauhan at opisyal ng pamahalaan.

Nilabag din umano ng hepe ng PNP ang Republic Act 6713 na kilala bilang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.


Ayon kay Aguirre, gusto niyang baguhin ng Kongreso ang nasabing batas dahil ginagamit lamang ito para gipitin ang ilang tauhan ng pamahalaan samantalang mas dapat unahin ang mga bigtime na magnanakaw sa gobyerno.
Source: Radyo Inquirer

Loading...

Post a Comment

 
Top