0

Kumpiyansa si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na malaki ang magiging epekto sa kaso ni Senator Leila de Lima dahil sa pag-amin nito na nagkaroon nga sila ng relasyon ng kanyang dating driver/bodyguard na si Ronnie Dayan.

Ikinatuwa pa ni Aguirre ang pag-amin ni De Lima dahil tumibay umano ang basehan ng Department of Justice (DoJ) na nagsabwatan ang dalawa para makinabang sa drug money mula sa New Bilibid Prison (NBP).



Sa pag-amin anya ni De Lima sa kanilang "illicit love affair" ay mistulang inamin na rin ng senadora na talagang ginamit niya si Dayan sa pangongolekta ng pera mula sa mga high profile inmates sa NBP na ginamit ng senadora noong May elections.

Bukod dito, mabubura na rin daw ang mga sinabi ng senadora na fabricated o gawa-gawa lamang lahat ang mga inaakusa laban sa kanya ng DoJ.

Loading...
Posible rin daw na matanggalan ng lisensiya si De Lima bilang abogado dahil sa isyu ng imoralidad sapagkat kahit hiwalay ito sa kanyang asawa at nakipagrelasyon naman sa taong kasal na.


Sa isang programa sa telebisyon ay tahasang inamin ng dating DoJ chief na nagkaroon sila ng relasyon ni Dayan.

Pero mariin naman nitong itinanggi ang mga akusasyon na sangkot siya sa illegal drug trade sa NBP.
SourceBomboradyo



Loading...

Post a Comment

 
Top