0

Natagpuang patay ang isang 50-anyos na jeepney driver na nakabigti sa lu­mang gusali ng Metro Manila Development Authority (MMDA), sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Danilo Baltazar, residente ng no. 1139 Vargas St., Tondo, Maynila.



Sa ulat ni SPO3 Milbert Balinggan ng Manila Police District-Homicide Section, nadiskubre ang pag­papatiwakal ng biktima dakong alas 6:39 ng umaga, na nakabitin sa Fire Exit ng abandonadong gusali ng MMDA, sa Jose Abad Santos St. Tondo, Maynila.

Loading...
Ayon sa isang Maritess Cruz, nakausap pa niya kamakalawa ang biktima at nagsabing hindi pa maka-paghuhulog sa utang dahil hindi kumita bunga ng sobrang traffic. Nakita rin umano itong balisa na halos nagsasalita na mag-isa.


Problemado umano ang biktima na madalas na hindi makapag-boundary ang biktima sa kanyang operator kaya lagi umano itong pinagsasabihan.

Tanging bakat ng lubid sa leeg ang nakita sa biktima na indikasyong nagbigti ito kaya namatay.
Source: Philstar

Loading...

Post a Comment

 
Top