0

Ang pagkakadawit ni Ormoc City Mayor Richard Gomez sa illegal na droga sa Visayas ay noong panahong chief of staff pa lamang siya ng kaniyang misis na si Leyte Rep. Lucy Torres Gomez.

Ayon kay Albuera Police chief, Chief Inspector Jovie Espenido, ito ang nakasaad sa affidavit ng isa sa mga testigo sa kalakalan ng illegal na droga sa Eastern Visayas.



Ang tinutukoy na testigo ni Espenido ay ang isang tao na tagabigay umano ng payola sa mga taga Ormoc.

Dagdag pa ni Espenido, wala ang pangalan ni Gomez sa affidavit ng napatay na si Mayor Rolando Espinosa Sr., maging sa supplemental affidavit nito.

Pero nabanggit umano ang aktor sa pink book ni Espinosa.

Loading...
Batay sa pahayag ng testigong binabanggit ni Espenido, tumanggap si Gomez ng P4 million pesos na payola.

Kasama ring nabanggit ang ang pangalan ni Board Member Matt Torres na kapatid ni Congw. Lucy Torres Gomez.


Una nang sinabi ng abogado ng mag-asawang Gomez na hindi kailanman nasangkot sa illegal drugs ang mag-asawa.

Nagbanta din si Atty. Alex Avisado na kakasuhan nila ang mga nagtatangkang was akin ang reputasyon ng kaniyang mga kliyente.
Source: Radyo Inquirer

Loading...

Post a Comment

 
Top