0

Ipapahukay muli ni Albay Rep. Edcel Lagman ang mga labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos matapos itong mailibing ngayong araw sa Libingan ng mga Bayani.

Sinabi ni Lagman na maghahain siya sa Korte Suprema ng motion to exhume para ipahukay ang bangkay ni Marcos.



Paliwanag ng kongresista, ito ay dahil hindi pa naman daw pinal at executory ang desisyon kamakailan ng Supreme Court na nagpapawalang bisa sa mga petisyon na humaharang sa Marcos' burial.

Bukod dito, maghahain din daw si Lagman ng contempt of court laban sa mga nangasiwa sa naturang pagpapalibing.

Loading...
Inihalimbawa dito ni Lagman ang Armed Forces of the Philippines, Executive Sec, ang AFP Chief of Staff at marami pang iba.

Binigyan diin ng kongresista na batid naman diumano ng mga nangasiwa sa paglibing kay Marcos na hindi pa pinal ang desisyon ng SC.


Ito ay dahil maari pa raw ang katulad niya na anti-Marcos na maghain ng motion for reconsideration para harangan muli ito.

Si Lagman ay isa sa mga mariing tumututol sa paglibing sa dating Pangulo sa LNMB.

Sa katunayan ay pagkatapos na nagdesisyon ang Korte Suprema na isawalang bisa ang mga petisyon na humaharang sa paglibing kay Marcos sa heroes' cemetery, iginiit ng kongresista sa manifestation nito na hihimukin nila ang SC para mag-issue muli ng Status Ante Order para sa naturang usapin.
Source: Bomboradyo


Loading...

Post a Comment

 
Top