0

Itinuturing na ng Philippine National Police (PNP) na person-of-interest si Ormoc City Mayor Richard Gomez matapos idawit ng hepe ng Albuera Police sa operasyon ng ilegal na droga.

Sa panayam kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa sa Grand Marriot Hotel sa Putrajaya, Malaysia sinabi ng heneral na iniimbestigahan na nila si Gomez matapos mabanggit ang pangalan niya sa pagdinig kahapon sa senado.



Paliwanag ni Dela Rosa, magandang hakbang ito para kay Gomez dahil kung wala silang mahalukay na ebidensya ay malilinis ang pangalan nito.

Loading...
Iginiit pa ni Dela Rosa na hindi lang si Gomez ang kanilang iniimbestigahan kundi maging ang iba pang personalidad na idinadawit naman sa salaysay ng napaslang na si Albuera Mayor Rolando Espinosa.


Una nang iginiit ng kampo ni Gomez na walang katotohanan ang mga paratang.

Ayon naman sa Albuera Police, hindi sa affidavit ni Espinosa nabanggit ang pangalan ni Gomez kundi sa affidavit ng isa sa mga testigo.
Source: Radyo Inquirer

Loading...

Post a Comment

 
Top