0

Nahuli ang tatlong menor de edad sa pot session at aktong pagbebenta ng shabu at marijuana sa Aritao, Nueva Vizcaya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Police Chief Inspector Joverman Videz, hepe ng Aritao Police Station, may natanggap silang impormasyon na may tatlong out of school youth ang dumadayo at humihithit ng marijuana at nakatakdang magbenta ng iligal na droga.



Nahuli sa aktong gumagamit ang tatlong magkakaibigan matapos nilang bentahan ng isang sachet ng shabu ang isang pulis na nagsilbing possuer-buyer.

Ang mga menor de edad ay nasa edad katorse hanggang disi-siete anyos.

Loading...
Nasamsam sa kanilang pag-iingat ang isang pakete ng shabu, 2 pakete ng pinatuyong dahon ng marijuana maliban pa sa mga drug paraphernalia na nakuha sa mga pinaghihinalaan.


Ayon kay Chief Insp. Videz, ang mga nadakip ay pawang mga bagong tukoy na sangkot sa ilegal na droga sa Aritao, Nueva Vizcaya.
Source: Bomboradyo

Loading...

Post a Comment

 
Top