0

Kasalukuyang tinutugis ang isang lalaki dahil sa panghahalay sa 14-anyos na babae na anak ng kanyang live-in partner sa Caloocan City, nitong Lunes ng hapon.

Dumiretso sa opisina ni Police Sr. Supt. Johnson Almazan, hepe ng Caloocan Police, si “Lolit” upang ipahuli ang kinakasama niyang si Rogelio Salonga, alyas “Bok”, 47, ng No. 32 Carolina Street, Barangay 105, 8th Avenue ng nasabing lungsod.



Ayon kay Lolit, dakong 3:00 ng hapon nang maaktuhan niya ang pang-aabuso ni Salonga sa kanyang anak.

“Nanlamig po ang buong katawan ko sa nakita ko. Hindi ko inakala na gagawin niya (Salonga) ang ganoong kahalayan, kasi akala ko anak na rin ang turing n’ya sa mga anak ko,” ani Lolit.

Loading...
Nalaman din ng ginang na hindi ito ang unang beses na inabuso ng suspek ang kanyang anak at hindi makapagsumbong ang biktima dahil pinagbantaan umano ito ng suspek.


“Malakas ang ebidensiya laban sa suspek kasi ‘yung nanay na ang complainant tapos miyembro pa siya ng Lupong Tagapamayapa ng barangay,” pahayag ni Almazan.

Kasong rape ang nakatakdang isampa laban kay Salonga.
Source: Balita.net.ph

Loading...

Post a Comment

 
Top