0

Hinamon ni Senator Antonio Trillanes IV si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na pangalanan ang sinasabi nitong isang senador na gumagamit ng Cocaine.

Ayon kay Trillanes, hindi na dapat nambibitin pa ang batang Duterte dahil kung talagang sigurado ito sa kanyang impormasyon ay inilabas na agad agad nito ang pangalan ng tinutukoy na senador.



Dagdag ni Trillanes na pineperwisyo pa umano ni Duterte ang 23 senador ng bansa dahil sa pahayag at pambibitin nito sa kanyang bintang.

Loading...
Samantala, kumpyansa naman umano si Trillanes na hindi siya ang tinutukoy ni Paolo at handa rin aniya siyang sumailalim sa drug test sa kondisyong sabay-sabay silang lahat ng mga kapwa senador.


Matatandaang sa isang interview ni Paolo Duterte ay sinabi nitong hindi na niya kailangan pang dumalo sa senate probe ng extrajudicial killings sa kabila ng pagkakadawit ng kanyang pangalan dito dahil sa testimonya ng DDS witness na si Edgar Matobato. 

(Brigada).



Loading...

Post a Comment

 
Top