0

Inilabas na ang CCTV kung saan nakunan ang pananaksak sa isang estudyante sa Taguig. Ang ikinasama ng loob ng ama ng biktima, wala man lang daw sumaklolo sa kanyang anak na humihingi ng tulong.



Sa kuha ng CCTV sa Brgy. Central Signal, Taguig noong byernes ng gabi, makikitang naglalakad ang Adamson Student na si Nick Russel Oniot. Maya-maya, hinarang na sya ng dalawang lalaki at pilit kinukuha ang kanyang backpack. Nakipagbuno ang biktima kung kaya't inundayan sya ng labing walong saksak ng isa sa mga suspek.

Loading...
Hanggang sa huli, hindi isinuko ni Russel ang kanyang bag, tumigil na lang ang mga suspek ng may dumaan ng mga jeep at van. Humingi ng tulong ang duguang estudyante pero walang huminto para sumaklolo, hanggang sa bumagsak na lang sya sa kalsada.


Sa tulong ng kuha sa CCTV, naaresto sa followup operation ang suspek na si Reynaldo Clave at napatay naman ng mga pulis ang sumaksak sa biktima na si Marvin Bernardo dahil sa nang-agaw daw ito ng baril sa mga otoridad.

Nahaharap naman sa homicide ang nahuling suspek.

FULL CCTV FOOTAGE

Loading...

Post a Comment

 
Top