0

Kuha sa video ang walang habas na pananaga ni Reynaldo Garido kay Herbert Enriquez. Mistulang baliw na nagsisigaw si Garido habang tinataga nya si Enriquez.

Ayon sa mga nakasaksi, nagkahabulan pa ang dalawa hanggang sa abutan sa Basketball Court ang biktimang si Enriquez.



Natakot ang mga nakasaksi kaya hindi nakalapit dahil parang sinasapian daw ng demonyo ang suspek na si Garido.

Mabils din natimbog si Garido sa followup operation ng mga pulis, hindi na narekober ang ginamit na itak dahil itinapon na nya ito sa dagat.

Loading...
Ayon sa pulisya, labas-masok na sa kulungan ang suspek dahil sa mga kasong pagnanakaw at mismong mga kaanak na nya ang nagsabi na lulong umano sya sa droga na posibleng dahilan kung bakit nya nagawa ang pananaga sa biktima. 

Love triangle ang tinitingnang angulo dahil may babae umanong pinag aagawan ang dalawa.


Sinampahan na ng frustrated murder si Garido. Samantalang stable at nagpapagaling naman sa ospital ang biktimang si Enriquez na naputulan ng daliri, kakailanganin ding lagyan sya ng stainless na bakal dahil halos naputol na ang kanyang isang braso.



Loading...

Post a Comment

 
Top