0

Imbis na ikulong o parusahan, binigyan na lang ng hanapbuhay ang mga sumukong drug user at pusher sa Olongapo City. Kaya sa halip na pagdo-droga, abala na ang mga tinatawag na reformists sa paggawa ng mga kabaong sa ilalim ng 'casket making project' ng lungsod.



Mula ng magsimula sila sa livelihood program noong Septyembre, dalawanpu't isang kabaong na ang kanilang nagagawa. Ipinamimigay naman ng lungsod ang kabaong sa mga mahihirap na mga residenteng nangangailangan nito.

Loading...
Paalala na rin daw ito sa mga reformists na seryosohin na ang pagbabago dahil ang iligal na droga ay nakakasira ng buhay.


Pagbibiro ng ilang reformists, kapag nagpatuloy pa sila sa bisyong masama ay baka sa kabaong na kanilang ginagawa ang kanilang kahahantungan.

(ABS-CBN).



Loading...

Post a Comment

 
Top