0

Kinumpirma ngayon ni PNP chief Director General Ronald dela Rosa na naaresto na kaninang alas-2:00 ng madaling araw ang wanted na drug lord na si Rolan "Kerwin" Espinosa sa Abu Dhabi.

Ayon sa heneral, naging daan umano sa pagkakahuli kay Espinosa ang tip mula sa ilang overseas Filipino workers (OFW) sa nasabing lugar.

Dahil dito, agad umanong pinakilos niya ang Philippine National Police-Anti-Illegal Drugs Group (PNP-AIDG) at sa tulong ng Abu Dhabi police ay tuluyang nasukol si Espinosa.



Sa ngayon inaasikaso na umano ang mga dokumento para agaran itong maibalik sa Pilipinas sakay ng eroplano.

Kung sakaling matapos na ang proseso, maaaring maipatupad ang extradition sa suspek bukas ng Martes.

Una nang lumutang ang hinala na nagtatago ito sa bansang Malaysia at nagpa-plastic surgery pa sa mukha.

Loading...
Kung maaalala inaresto na rin at nakakulong na ang kanyang ama na si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Kasama sa arrest warrant na pinapaaresto ng korte ay ang anak ng alkalde na si Kerwin.

Dito na nagsagawa ng koordinasyon ang PNP sa INTERPOL na siyang nagpalabas ng "red notice.".


Sinasabing sa isang building umano nangungupahan sa Abu Dhabi ang nakababatang Espinosa.

Sinabi pa ng PNP chief pagpapatulong pa raw sa isang travel agency si Kerwin para sa kanyang pananatili sa Abu Dhabi hanggang sa makasagap sila ng impormasyon mula sa mga kababayang Pinoy sa presensiya ng wanted na drug lord.

"With the help of Abu Dhabi police, just this morning 2 a.m. our team arrested Kerwin Espinosa," ani Dela Rosa. "Hindi sila pwede makasali sa actual arrest kaya nagmonitor lang sila. Ang humuli talaga Abu Dhabi police."

(Bomboradyo).



Loading...

Post a Comment

 
Top