0

Magsasampa ng kaso sa ilang tauhan ng Manila Police District ang Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) kaugnay sa marahas na dispersal sa kanilang hanay makaraan nilang lusubin ang U.S Embassy sa Maynila.

Sinabi ni Bayan Secretary-General Renato Reyes Jr, na hindi bababa sa limampung mga ralyista ang sugatan dahil sa pamamalo sa kanilang mga tauhan ng Manila Police District.



Ipinaliwanag rin ni Reyes na sinadya rin silang sagasaan ng isang van ng MPD na nagresulta sa pagkakasugat ng ilan sa kanilang mga kasamahan.

Sinabi naman ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Dir. Oscar Albayalde na hindi sinadyang sagasaan ang mga ralyista.

Loading...
Tinangka umano itihaya ng mga ralyista ang van ng PNP kaya napilitan ang nagmamaneho dito na pulis na mula sa MPD na patakbuhin ang sasakyan pero nasagasaan nito ang ilan sa mga ralyista.

Nakahanda umano silang harapin kung anuman ang mga kasong isasampa laban sa kanila ng mga miyembro ng Bayan.


Ikinatwiran naman ni SSupt. Marcelino Pedroso na hindi dapat nag-rally sa harapan ng U.S Embassy ang grupo ni Reyes dahil deklarado ito bilang isang no-rally zone.

(Radyo Inquirer).



Loading...

Post a Comment

 
Top