0

Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na babawasan na niya ang pagmumura at kung kaya ay tuluyan nang alisin.



Matapos ang kanyang apat na araw na state visit sa Japan, ikinuwento ng pangulo na habang sakay sya ng eroplano pauwi ng Pilipinas, napagisip-isip niya ang kanyang mga sinasabi.

Loading...
Habang tulog aniya ang kanyang mga kasama sa eroplano, isang boses daw ang narinig niya at sinabihan na itigil na niya ang pagmumura na nakagawian na niya sa kanyang mga talumpati.

Alam umano niyang boses mula sa Diyos ang nadinig niya.


Sa kabila nito, iginiit pa rin ng presidente na may mga panahon aniya na maaaring hindi pa rin niya maiwasan ang magmura o bumanat lalo’t hinihingi ng pagkakataon pero hangga’t maaari ay iiwasan na niya ito. 

(Radyo Inquirer).

Loading...

Post a Comment

 
Top