0

Naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Los Baños police at Laguna SWAT ang tinaguriang “drug queen” sa nasabing bayan sa isinagawang pagsalakay sa Barangay Bayog, Biyernes ng umaga.

Maliban kay Rosalina Lumaybay, dinakip din ang tatlo niyang anak, at nasabat sa kanila ang mga illegal drugs, nakaw na gadgets, at mga bahagi ng nakaw na motorsiklo.



Pagpasok sa driveway ng bahay ng mag-iinang suspek, nadatnan pa ng mga pulis ang mga metal spikes na ikinalat bilang pain sa mga papasok.

Loading...
Samantala, sinalakay din ng mga pulis ang piso-net sa Brgy. San Antonio na ginagamit umanong drug den.

Naaresto sa nasabing piso-net ang gma suspek na sina Oliver Villafuerte at Rolando Lumaybay at nasabat ang electronic weighing scale, tooters at hindi pa tukoy na dami ng sachet ng shabu.


Sina Villafuerte at Lumaybay ay kapwa din nasa drug watchlist ng Los Baños police at may kinakaharap na warrant of arrest.

Sa kabuuan ng raid, umabot sa 20 suspeks ang naaresto ng Los Baños police.

(Radyo Inquirer).


Loading...

Post a Comment

 
Top