0

Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbabalik niya mula sa biyahe sa China na hindi niya pinuputol ang diplomatic ties sa pagitan ng Pilipinas at ng Amerika.

“You know, you have to take my words in the context of what I have been saying all along. It’s not severance of ties. When you say severance of ties you cut the diplomatic relations. I cannot do that,” pahayag ng Pangulo.

Sinabi ng Pangulo na hindi niya maaring putulin ang diplomatic ties ng Pilipinas sa Amerika para na rin sa kapakanan ng maraming Filipino na naninirahan sa Amerika at mga American citizens na nasa Pilipinas.



Hindi pa rin umano nakahanda ang mga Filipino na tanggapin ang pagputol ng diplomatic ties ng Pilipinas sa Amerika

Nilinaw ng Pangulo na ang sinasabi niya ay “separation” sa foreign policy.

“It’s to the best interest of my country that we maintain that relationship. Why? Because there are many Filipinos in the United States of well, Americans, of Filipino ancestry. Why? Because the people of my country is not ready to accept-- I said ‘separation’—what I was really saying was separation of a foreign policy,” paliwanag ng Pangulo.

Loading...
Ayon pa sa Pangulo, ang ayaw niya ay ang pagdidikta ng Amerika sa Pilipinas kung saan sumusunod naman ang gobyerno.

“In the past and until I became President, we always follow what the United States would give the cue. What he would give the cue that we are there, we are there. We follow. Pasunod-sunod tayo. Hindi ako magsunod,” anang Pangulo.

Samantala, sinabi ng Pangulo na nakahanda ang Russia na magbigay ng kahit na anong tulong sa Pilipinas at kahit pa humi­ling siya ng atomic bomb ay ibibigay ito.


Nang tanungin ang Pangulo kung nag-aalala ito tungkol sa Visiting For­ces Agreement at sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), nagbiro ito na ang inaalala niya ay kung hindi aalis sa bansa ang mga sundalong Amerikano.

Pero kokonsultahin pa rin umano ng Pangulo ang militar at pulisya dahil nakasalalay dito ang seguridad ng bansa.

(Philstar).



Loading...

Post a Comment

 
Top