0

Hinalughog ng mga pulis ang bahay ni Ronnie Dayan sa Urbiztondo, Pangasinan, dalawang linggo matapos lumabas ang arrest warrant laban sa kanya.

Si Dayan ang dating bodyguard at drayber ni Senator Leila de Lima, na siyang itinuturong bagman sa umano'y illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).

Ipinapaaresto ng mga kongresista si Dayan matapos siyang hindi sumipot sa mga hearing sa House of Representatives.



Nang makatanggap ng search warrant ang Pangasinan Police Office laban kay Dayan at ilang mga kamag-anak dahil sa illegal possession of firearms and ammunition, agad nilang pinuntahan ang bahay umano ni Dayan.

Ang asawa ni Dayan ang humarap sa mga pulis. Bukod sa malaking kama at ilang appliances, halos wala nang laman ang bahay.

Loading...
Nauna nang itinanggi ng kapatid ni Dayan na sa kanya ang "white house" sa lugar.

May search warrant din para sa mga tiyuhin ni Dayan na sina William Licuanan, Wilfredo Palisoc, Rodrigo Palisoc, at anak nitong si Frankie Palisoc na isang pulis sa Urbiztondo.


Ani Frankie, hindi na sila nag-uusap ng kanyang pinsan. Hindi rin malinaw sa kanya bakit nadamay ang kanyang pamilya, gayong hindi naman maganda ang kanilang relasyon ni Dayan.

Wala namang nakuhang mga baril o anumang iligal na bagay mula sa mga bahay ng mga kamag-anak ni Dayan.

(ABS-CBN).



Loading...

Post a Comment

 
Top