0

Hindi sang-ayon ang pamunuan ng Pambansang Pulisya sa naging mga pahayag o instruction ni Manila Police District (MPD) Deputy District Director For Operations S/Supt Marcelino Pedrozo bago ang umano'y marahas na dispersal ng mga raliyista kahapon sa harap ng US Embassy sa Maynila.

Sa nakuhang video ng media kay Pedrozo, makikitang pinapagalitan ng opisyal  ang kanyang mga tauhan at kinukwestyon kung bakit andami daming raliyista wala man lang silang hinuli.



Nabanggit din ni Pedrozo na magkagulo na kung magkagulo at nagagalit sa mga pulis bakit hindi sila lumalaban na nagresulta para makalapit ang mga raliyista sa harap ng embahada.

Ayon kay Deputy Chief for Operations Director Benjamin Magalong na ang mga sinasabi ni Col. Pedrozo ay kaniyang sariling opinyon at hindi ito pahayag ng buong PNP organization.

Loading...
Sinabi ni Magalong na hindi dapat nagsasalita si Pedrozo ng ganun dahil makaka-impluwensiya ito sa kaisipan ng mga pulis.


SPagbibigay-diin ng heneral na dapat mahigpit na sinusunod ng mga pulis ang kanilang operational procedure lalo na kapag rumiresponde sa mga kilos protesta.

Aniya dapat ipatupad talaga ang maximum tolerance.

(Bomboradyo).


Loading...

Post a Comment

 
Top