0

Hinikayat ng Philippine National Police - National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO) ang mga television networks na magsagawa ng surprise drug test sa lahat ng kanilang mga artista.

Ayon kay Chief Supt. Oscar Albayalde, hepe ng PNP NCRPO, handang tumulong ang PNP at ang Department of Health (DOH) para matiyak ang kredibilidad ng gagawing drug test sa mga artista.



Una rito, kinumpirma ni Albayalde na mayroong 30 artista sa kanilang drug list.

Binubuo anya ito ng mga bata at mga bago pa sa show business subalit mayroon rin anyang mga matagal nang artista.

Loading...
Gayunman, tumanggi si Albayalde na isapubliko ang listahan dahil patuloy pa rin anya ang ginagawa nilang validation.

(DWIZ).


Loading...

Post a Comment

 
Top