0

Isinailalim na sa inquest proceedings ang tatlong naarestong pangunahing suspek sa night market sa Davao City bombing.

Sina TJ Tagadaya Macabalang alyas Abu Tufael, Wendel Facturan at Musali Mustapha ay agad dinala sa Department of Justice (DOJ), Biyernes ng gabi, matapos na iharap sa media ni Defense Sec. Delfin Lorenzana.



Mga kasong paglabag sa Republic Act 9516 o illegal possession of explosives at paglabag sa Republic Act 10591 o illegal possession of firearms and ammunition ang isinampa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) laban sa tatlo.

Ito ay kaugnay sa pagkakasabat sa kanila ng mga armas at improvised explosive device nang sila ay madakip sa isang mobile checkpoint sa Cotabato City noong October 4.

Loading...
Tinangka pa umano ng tatlo na takasan ang checkpoint habang sila ay sakay ng motorsiklo na walang lisensya.

Nasabat sa tatlo ang mga sangkap sa paggawa ng IED, isang sub-machine gun, isang cal .45 pistol, ang gamit nilang motorsiklo at kanilang cellular phones.


Nakita rin sa kanilang cellphone ang 20-second video na kuha mismo noong naganap ang pagpapasabog at larawan ng bomb manual.

Ang tatlong suspek kasama ang pitong iba pa ang nagplano at nagsagawa umano ng pagpapasabog sa Davao City night market na ikinasawi ng labinglimang katao.

(Radyo Inquirer).



Loading...

Post a Comment

 
Top