0

Naging emosyunal si Senadora Leila De Lima sa misa ng Catholic Bishops Coference of the Philippines (CBCP) para sa world day against death penalty kahapon. 

Ito ay kasabay ng pagtestigo ng high profile inmate na si Jaybee Sebastian sa Kamara kung saan idiniin nito ang senadora kaugnay ng operasyon ng iligal na droga sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).



Ayon sa senadora, hindi na niya nakakayanan ang sabay-sabay na alegasyon laban sa kaniya.

Giit ng senadora, bagaman matapang siya, nahihirapan na rin siyang kontrolin ang kaniyang emosyon sa bigat ng mga isinasiwalat ng mga tumetestigo sa Kamara laban sa kaniya.

Loading...
Matatandaang nagsimula ang mga alegasyon sa senadora nang idawit siya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang drug matrix sa national penitentiary kung saan nakatanggap umano ng payola ang senadora noong Justice Secretary pa ito. 

(Brigada).


Loading...

Post a Comment

 
Top