0

Hindi pinag-aksayahan ng panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang aktres na si Agot Isidro matapos itong tawaging psychopath.

Sa kanyang talumpati kahapon sa mass oathtaking ng mga bagong appointee sa gobyerno at mga miyembro ng League of Municipalities of the Philippines, naging maiksi lamang ang komento ng presidente sa naging post ni Isidro sa kanyang facebook account.



Sinabi ni Pangulong Duterte na hahayaan na lang niyang ma-enjoy ni Isidro ang kanyang constitutional right kaugnay sa free expression.

Ang mga supporters ng Pangulo ang nag-react sa social media at kinuyog ang aktres ng mga negatibong komento at memes.

Loading...
Hindi rin gaanong pinagtuunan ng pansin ng mga opisyal ng palasyo ang pahayag ni Isidro at sinabing karapatan niya kung iyon ang kanyang pananaw kay Pangulong Duterte.

(DWIZ).


Loading...

Post a Comment

 
Top