0

Kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi mangangailangan ng malaking pondo ang militar at pulisya sa susunod na taon kaya tatlong tanggapan ng gobyerno ang kanyang bubusugin ng pondo.

Kabilang sa paglalaanan ng malaking pondo ng gobyernong Duterte ay ang edukasyon, agrikultura at kalusugan.



“Ang thrust kasi ng gobyerno ko is ang first education, second is agriculture, third is health. So iyan ang magkasunod. Ang military pati pulis debomba na lang.".

Loading...
"Huwag na masyadong ‘yang laban-laban kasi wala naman tayong kalaban. So iyan ang distribution ng pera expected to — we expect to receive by next year,” pahayag ni Pangulong Duterte nang bumisita kahapon sa mga taga-Ilagan, Isabela na tinamaan ng bagyong Lawin.

Nangako ang Pangulo na kabilang sa magiging benepisyaryo ng pondo ng pamahalaan sa susunod na taon ay ang sektor ng agrikultura. Ang health sector naman aniya ay tutugunan sa mga pangangailangang mga gamot.


Ang nakalaang pondo ng pamahalaan sa susunod na taon ay sisiguraduhin umano niya na magagamit sa tama hanggang sa bawat sentimo.

“I can assure you dito sa gobyerno iyang trillion na ‘yan kung magdating will be used precisely and entirely for the benefit of the Filipino people,” sabi pa ng Pangulo.

(Abante Tonite).



Loading...

Post a Comment

 
Top