0

Kumasa na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa hamon ni Senator Antonio Trillanes na sumailalim siya sa isang komprehensibong drug test.

Una nang ginawa ni Trillanes ang hamon makaraang isiwalat ni Duterte na mayroong isang senador na gumagamit umano ng cocaine.



Ayon kay Duterte, sasalang sila sa isang high-precision drug test center sa Taguig City kung saan maaaring malaman kung gumagamit ng illegal drugs ang isang tao sa pamamagitan ng hibla ng buhok.

Kabilang umano sa mga matutukoy sa hair follicle drug test ay ang cocaine, opiates, methamphetamine, marijuana, ketamine, at benzodiazepine.

Loading...
Magugunitang isinailalim na sa drug test ng Philippine Drug Enforcement Agency si Duterte, kasama ang mga Davao City councilor, kung saan pawang nag-negatibo naman ang mga ito.

(DWIZ).


Loading...

Post a Comment

 
Top