0

Isang 20-taong gulang na Brazilian mo­del ang inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Customs at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 makaraang tangkain nito na magpuslit papasok sa bansa ng 6.2 kilos ng cocaine na itinago sa kanyang check-in suitcase na may street value ng P32 milyon kamakalawa ng gabi.

Ayon kay NAIA customs district collector Ed Macabeo, ang customs anti-illegal drugs task force at ang customs X-ray inspection project ang nag-aresto sa Brazi­lian model na si Yasmin Fernandes Silva, 20, pasa­hero na nagmula pa sa Brazil via Dubai lulan ng Emirates Air flight EK 332.



Ang dalang ­droga ni Silva ay nakita sa ‘false bottom’ ng kanyang check-in na maleta ng mga awtoridad matapos na imbitahan ang drug mule sa Customs office­ para imbestigahan at natuklasan ang 6.2 kilos ng cocaine.

Loading...
Sinabi ni Macabeo, ito na ang pangatlong drug courier na pinigil ng Customs sa NAIA terminal 3 na kung saan nanggaling ang mga ito sa bansang Brazil via Dubai at pinal na distinasyon ay ang Manila.


Nauna na dito ay ang estudyanteng Filipino na may dalang 5 kilong ­cocaine at sinundan ito ng dalawang Hongkong nationals at Russian na nahulihan ng 27.9 kilos ng cocaine na dumating sa magkaparehong flight ng Emirates Airlines.

(Abante).



Loading...

Post a Comment

 
Top