0

Bilang na ang maliligayang araw ng mga walang disiplinang smokers sa oras na lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kautusan na Nationwide Smoking Ban.

Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, ang draft ng executive order ay halos kapareho ng ordinansa sa Davao City na naging kilala sa ordinansa sa mahigpit na pagpapatupad ng no-smoking policy sa mga pampublikong lugar.



Umaasa anya sila na mababawasan ang mga nagkakasakit dulot ng paninigarilyo kung ipatutupad ang naturang kautusan.

Maliban dito, itinutulak din ng Department of Health o DOH ang pag-amyenda sa umiiral na Tobacco Regulation Act.

Loading...
Samantala, nilinaw ni Ubial na nasa kamay ng mga local government unit ang pagpapataw ng mga parusa o multa sa sinumang mahuhuling lalabag sa smoking ban.

(DWIZ).


Loading...

Post a Comment

 
Top