0

Inamin ngayon ni Sen. Atonio Trillanes IV na ang kaniyang opisina na uli ang magbibigay ng pansamantalang seguridad kay Edgar Matobato matapos itong makalaya mula sa pagkakabilanggo sa PNP detention facility.

Una rito, nakapaglagak na ng P30,000 piyansa si Matobato dahil sa kasong illegal possession of firearms na kinakaharap nito.



Ayon kay Trillanes, mananatili sa kanilang pangangalaga si Matobato hangga't nais ng extra judicial killing witness na magpasailalim sa kanilang pagbabantay.

Loading...
Matatandaang ang grupo rin ni Trillanes ang sumundo kay Matobato nang una itong humarap sa pagdinig ng Senate committee on justice and human rights.

(Bomboradyo).


Loading...

Post a Comment

 
Top